COVID-19 cases sa Kamara, umakyat na sa 80

20

Pumalo na sa 80 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli rito ang babaeng staff mula sa tanggapan ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Huli aniyang pumasok sa trabaho ang pasyente noong September 14 hanggang 18, 2020.

Nagpatest ito para sa COVID-19 matapos makaranas ng panghihina ng katawan, pananakit ng ulo, at sipon.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito sa Mababang Kapulungan.

Sa kasalukuyan ay mayroong 14 na active cases ng COVID-19 sa Batasan Complex.

Facebook Comments