COVID-19 cases sa Latin America, pumalo na sa higit 5 milyon

Lumagpas na sa 5 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Latin America.

Ito ay matapos i-anunso ng World Health Organization (WHO) na wala na silang nakikitang solusyon sa nagaganap na COVID-19 pandemic.

Ayon sa WHO, kailangan munang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang testing, contact tracing, social distancing at ang laging pagsusuot ng mask.


Samantala, pumalo naman sa mahigit 46,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 18.3 milyon ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo, habang mahigit 693,000 naman ang bilang ng nasawi.

Facebook Comments