COVID-19 cases sa lungsod ng Taguig, nasa mahigit 9,300 na

Pumalo na sa 9,352 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.

Ito ay matapos magkaroon ng 33 mga bagong kaso sa nakalipas na 24 oras.

Sa tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU), 9,173 dito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 89 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.


Ang natitirang 90 ay active cases sa lungsod.

Tiniyak naman ni Mayor Lino Cayetano na mas papaigtingin pa nila ang kanilang mga hakbang at kampanya kontra COVID-19 upang maging zero case na ang lungsod sa susunod na buwan.

Kaya naman payo niya sa mga residente ng Taguig, mahigpit na sundin ang mga ipinapatupad na health protocols laban sa COVID-19 upang maging ligtas laban sa naturang sakit.

Facebook Comments