COVID-19 cases sa mga ospital, muling tumataas

Nakitaan ng Philippine College of Physicians (PCP) ng pagtaas ng bilang ng mga isinusugod na pasyente ng COVID-19 sa emergency rooms.

Ayon kay PCP President Dr. Maricar Limpin, ramdam na ng mga doktor ang pagtaas ng kaso lalo na noong isang linggo hanggang sa linggong ito.

Tumataas din aniya ang infection sa mga health workers.


Dahil dito, iginiit ni Limpin na kailangang ihanda sa banta ng Delta variant ang suplay ng ventilators at oxygen tanks lalo na sa mga malalayong lugar.

Gayunman, tiniyak ni Limpin na tutugon sila kung kinakailangan lalo na kung maaapektuhan na rin ang mga healthcare workers kapag sumirit muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments