COVID-19 cases sa Muntinlupa City, 440 na

28

Umakyat na sa 440 ang kabuuang Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Ito’y matapos madagdagan ng 9 na panibagong confirmed cases ng COVID-19 mula sa mga Brgy. ng Poblacion, sa Katarungan Village (1), SV3(3), Putatan, Agro homes (1) Bayanan, Purok 6 (1) at Alabang, Purok 8 (3).


Nakapagtala rin ang lungsod ng apat na bagong pasyenteng gumaling sa naturang sakit mula sa mga Barangay ng Putatan, Cupang, Buli at Brgy. Sucat.

Samantala, umabot na rin sa 38 katao ang binawian ng buhay sa Muntinlupa City dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments