Babae sa Croatia, itinago ang bangkay ng kapatid sa freezer nang halos 20 taon

3100

Sinintensyahan ng 15 taong pagkakakulong ang isang babae sa Croatia matapos paslangin ang nakababatang kapatid at itago ang bangkay nito sa freezer.

Hinatulang guilty si Smiljana Srnec nitong Martes, Hunyo 30, sa pagpatay sa kapatid na si Jasmina Dominic matapos hampasin sa ulo nang limang beses noong 2000.


Natagpuan ang bangkay ng biktima sa bahay ng pamilya Srnec sa Zagreb noong nakaraang taon.

Huling namataan noong 2000 si Dominic, ngunit naiulat lang na nawawala noong 2005.

Tinaboy ni Srnec ang mga imbestigador sa palusot na nasa abroad lang ang kapatid.

Dumepensa naman ang kampo ni Srnec na walang sapat na ebidensyang guilty sa pagpatay ang nahatulan.

Ayon sa HRT, public TV channel ng Croatia, umiyak sa harap ng korte si Srnec nang basahin ang hatol.




Facebook Comments