COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 18% – OCTA

Bumaba ng 18-porsyento ang bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila kumpara noong nakaraang linggo.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, ang bilang ng naitalang kaso sa NCR ay nasa 5,500 kung saan 43-percent ang ibinaba ng surge.

Bukod dito, bumaba rin ang positivity rate sa Metro Manila na nasa 17-percent, maging ang hospital utilization rate.


Sa kabila nito, nagpaalala si David sa publiko na huwag pa ring magpakampante dahil ang bilang ng daily cases ay nananatiling mataas.

Importante pa ring dala ng publiko ang pag-iingat para tuluyang mapababa ang kaso.

Ang reproduction number sa NCR ay nasa 0.83, habang ang average na bilang ng kaso ay nasa 3,144.

Facebook Comments