Build Build Build, tampok sa mga IG post ni Sec. Villar

68

Hinikayat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang publiko na i-follow siya sa kanyang bagong Instagram account.

Tampok sa kanyang IG account ang mga “before” and “after” developments ng mga proyektong nasa ilalim ng Build Build Build program ng Administrasyong Duterte.


Sa higit limang taon ng infrastructure program, mahalagang makita ang progreso ng mga proyekto.

Sa kanyang Labor Day message, sinabi ni Villar na ang Build Build Build ay binubuo ng 6.5 million Filipino construction workers, engineers, welders, heavy equipment operators at electricians.

Nagpapasalamat si Villar sa mga ito sa kanilang dedikasyon at sipag.

Facebook Comments