Aabot na lamang sa 1,126 ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila pagsapit ng Nobyembre 15.
Sa Presscon sa Malacañang, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ito ay base sa bagong projections na ginagawa ng faster tool.
Ani Vergeire, sa pag aaral ng Faster nitong Oct 4, posibleng 1,126 na lamang ang maitatalang kaso sa National Capital Region o NCR dahil sa patuloy na bumabagal na hawaan ng virus.
Paliwanag pa ni Vergeire, kung patuloy na ma-improve ang ating vaccination coverage at saka mapapanatili ang detection to isolation ng apat na araw ay posibleng mas mababa pa sa numerong nabanggit ang COVID cases sa kalakhang Maynila.
Mahalaga aniya ay ma-sustain ito at hindi tuluyang magpakampante ang publiko.
Facebook Comments