COVID-19 cases sa Pasay, nadagdagan ng 3

Mula sa 36 umakyat na ngayon sa 39 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.

Ito ay matapos madagdagan ng tatlong panibagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Habang sa PUMs naman, mula 212 umabot na ito ngayon sa 245.


Ang bilang ng mga PUIs sa lungsod mula sa 39 ay umakyat narin ito sa 44.

Samantala, nananatili naman sa tatlo ang naitalang patay sa COVID-19 sa lungsod habang nananatili naman sa isa ang naka-recover sa naturang sakit.

Facebook Comments