COVID-19 cases sa Pilipinas, halos 130,000 na; 61 new death cases, naitala ngayong araw!

Sumampa na sa 129,913 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng 3,109 na panibagong kaso ng sakit ngayong araw.

Sa nasabing bilang, 59,970 ang active cases kung saan 91.2% dito ay mild, 7.5% ang asymptomatic, 0.7% ang severe at 0.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 654 new recoveries dahilan para umakyat sa 67,673 ang kabuuang bilang ng gumaling.


Habang 2,270 na ang nasawi matapos madagdagan ng 61 ngayong araw.

Sa bilang ng mga nadagdag na kaso, pinakamarami ay naitala sa National Capital Region na nasa 1,700; sinundan ng Laguna na may 169; Cebu, 114; Rizal 98 at Cavite, 93.

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na total at active cases ng COVID-19 sa buong Southeast Asia.

Facebook Comments