COVID-19 cases sa Pilipinas, mahigit 2 milyon na

Mahigit 2 milyon na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 2,003,955 ang kabuuang kaso matapos madagdagan ng 14,216 kahapon.

Sumampa naman sa 1,829,473 ang recoveries matapos makapagtala ng 18,754 panibagong gumaling.


Nasa 33,533 ang kabuuang nasawi matapos madagdagan ng 86 kahapon.

Sa ngayon, umaabot na sa 140,949 ang aktibong kaso sa bansa.

Facebook Comments