Senator Bong Go at Senator Sherwin Gatchalian, nais maging vice president ni Mayor Sara

Ibinunyag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may dalawang nag-alok sa kaniya na tumakbo bilang kaniyang bise-presidente sa darating na 2022 election.

Sa official facebook page ni Mayor Sara, pinangalanan nito sina Senator Christopher “Bong’ Go at Senator Sherwin Gatchalian.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Mayor Sara kung pumayag siya sa alok ng mga ito.


May ilan namang nakikitang tandem si Mayor Sara na tumakbo sa eleksyon at ito ay sina Ferdinand Martin Romualdez at Senator Sonny Angara na hindi pa makumpirma kung totoo.

Samantala, kaugnay naman kay Senator Ferdinand Marcos, Jr., ay sinabi ni Mayor Sara na may natatanggap din siyang ulat na magkakaroon din ito ng tandem.

Facebook Comments