COVID-19 cases sa Pilipinas, sumampa na sa 12,513

Umabot na sa 12,513 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay makaraang makapagtala ng 208 panibagong kaso ng sakit ngayong araw kung saan 83% o 174 ang naitala sa Metro Manila.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, pito ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay nasa 824 na.


Umabot naman sa 2,635 ang gumaling kung saan 74 ang new recoveries.

Samantala, nadagdagan ng 37 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng sakit na ngayon ay nasa 2,397 na.

Dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng gumaling at tatlo ang panibagong death cases.

Facebook Comments