Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Pasay

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa M. Dela Cruz Street, Virgina Exit, Barangay 130, Pasay City.

Alas-12:57 kaninang tanghali nang sumiklab ang sunog.

Itinaas ang sunog sa ikatlong alarma ala-1:20 ng hapon habang alas-2:10 nang ideklara itong fire under control.


Tatlo ang nasugatan kabilang ang dalawang babaeng tumalon mula sa nasusunog nilang bahay.

Nagtamo naman ng lapnos sa braso at ulo ang isang lalaki.

Tinatayang nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Sa ngayon, patuloy pang inaapula ang apoy habang iniimbestigahan na rin ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung kaninong bahay nagsimula ang apoy at ang sanhi nito.

Facebook Comments