COVID-19 cases sa PNP, muling nadagdagan ng mahigit 20

Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP, nasa 8,844 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 makaraang madagdagan ng 23.

Aabot naman sa 8,508 na mga pulis ang nakarekober o gumaling habang ang COVID-19 active cases ay nasa 309.


Nananatili naman sa 27 ang COVID-19 related deaths sa PNP.

Pinayuhan naman ng pamunuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa kanilang health service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments