Global COVID-19 case, mahigit 80 milyon na

Pumalo na sa mahigit 80.18 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, mahigit 1.75 milyon dito ang mga nasawi habang nasa higit 56 milyon ang mga nakarekober.

Ang Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 na pumapalo sa higit 19 na milyon, sinundan ng India, Brazil, Russia, France at United Kingdom.


Samantala, nasa pang-28 puwesto ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa dami ng bilang ng kaso ng COVID-19 na aabot sa 467,601.

Facebook Comments