Umabot na sa 5,650 ang bilang ng mga infected ng COVID -19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa huling datos ng PNP Health Service, nadagdagan ng 119 ang bilang ng mga bagong kaso kaya umabot na sa 5,650 COVID-19 cases mayroon sa PNP.
Nangunguna ang National Adminsitrative Support Unit na may 40 COVID -19 cases, National Capital Region Police Office (NCRPO) na may 23, National Headquarters na may 22, CARAGA na may 10, 8 sa National Operations Support Unit habang 5 naman sa CALABARZON.
Tig-2 naman ang naitala sa MIMAROPA, Bicol, Cordillera at Zamboanga Peninsula habang tig-1 ang naitala sa Central Luzon, Western at Central Visayas.
Pero, nananatiling marami pa rin ang bilang ng mga bagong gumaling sa nasabing virus sa PNP na nasa 216 kaya naman 4,407 recoveries mayroon sa PNP habang 17 pa rin ang bilang ng mga nasawi.