COVID-19 cases sa PNP, nasa 10,609 na

29
Photo Courtesy: PNP PIO

Pumalo na sa 10,609 ang COVID-19 cases sa Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng 23 bagong kaso.

Nakapagtala naman ang PNP ng 16 na bagong nakarekober sa virus na mayroon ng kabuaan na 10,091.


Nananatili naman sa 30 ang nasawi sa virus sa hanay ng PNP.

Nasa 488 mga pulis naman ang kasalukuyang nagpapagaling sa virus.

Facebook Comments