Dating Vice Mayor ng Bontoc, Pumanaw sa edad na 72

14

Cauayan City, Isabela- Pumanaw na ang dating bise-alkalde ng bayan ng Bontoc, Mountain Province na si Peter Litdog Puma-at sa edad na 72.

Sinariwa ng mga malalapit na kaibigan sa pulitika, mga empleyado at mahal nito sa buhay ang kanyang magagandang alaala noong nabubuhay pa.


Personal naman na ipinasakamay ni Mayor Franklin Odsey at Sangguniang Bayan Member ang isang resolusyon sa pagpanaw ng dating bise-alkalde.

Bago pa man pumasok sa mundo ng pulitika, naging guro ito at namuno bilang Department Chairperson ng College of Education hanggang sa naging College Dean sa Mountain Province State Polytechnic College (MPSPC) sa mahabang taon.

Nagsilbi rin itong Board of Directors ng Mountain Province Electric Cooperative (MOPRECO) mula 2000-2009.

Nagtapos ito ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education taong 1967, kumuha rin ito ng Master of Arts in Education at Doctor of Education taong 1989 at 1994.




Nagsilbi itong bise-alkalde simula 2013 hanggang 2016.

Ayon naman kay Dr. Diga Gomez, Municipal Health Office, hindi COVID-19 related case ang ikinamatay ng dating opisyal.

Facebook Comments