Video ng pagdukot ng armadong grupo sa dalawang lalaki sa Bulacan, inilabas ng pamilya ng mga biktima

190

Patuloy na umaasa ang pamilya na makakauwi ang kanilang anak na dinukot sa Meycauayan, Bulacan.

Sa kuha ng CCTV, makikita sina Johnver Francisco, 31 years old at Frank Tabaranza, 27 years old, na nakaparada ang kanilang sinasakyan sa gasolinahan.

Ilang sandali pa ay inipit sila ng tatlong sasakyan at pinalibutan ng mga armadong lalaki at sapilitang isinampa sa sasakyan.


Ayon kay Jocelyn Dela Cruz, nanay ni Johnver Malakas, kumita sa online sabong ang anak bilang master agent kaya posible na konektado sa trabaho ang pagdukot.

Sa ngayon ay umapela sila kay Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas na bigyang-pansin ang kaso ng kanyang anak na 10 araw ng dinukot.

Inilapit na nila ito sa Meycauayan PNP at nag-ikot na sila sa mga station ng pulis sa Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Cavite at Laguna para makahingi ng tulong na matagpuan ang anak.



Kung may impormasyon, maaaring ipagbigay-alam kay Jocelyn Dela Cruz sa numerong 0907-132-3882 o 0927-748-7444.

Facebook Comments