COVID-19 cases sa QC, 49 na

61

Umabot na sa 49 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department Epidemiology and Disease Surveillance, tatlo na ang nasawi habang lima ang naka-recover na.


May 30 pang Persons Under Investigation (PUI) habang 153 ang Persons Under Monitoring (PUM).

Dalawa naman na ang kaso ng COVID-19 sa Laguna.

Ang ikalawang kaso ay naitala sa Barangay Macabling, Sta. Rosa.

Nakapagtala na rin ng isang kaso ng sakit sa Montalban, Rizal habang dalawa sa Taytay kung saan isa ang nasawi.

Facebook Comments