DOH Sec. Duque, negatibo sa COVID-19

113

Nagnegatibo sa COVID-19 test si Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Under Secretary Maria Rosario Vergeire matapos na lumabas ang resulta ng test ng kalihim kagabi.


Matatandaang simula noong Miyerkules, sumailalim sa home quarantine si Duque matapos na ma-expose sa COVID-19 patient na isa ring senior health official.

Tiniyak naman ni Vergeire na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim.

Facebook Comments