COVID-19 cases sa QC, pumalo na sa 7,873

21

Umakyat na sa 7,873 ang total number ng confirmed cases sa Quezon City.


Sa latest bulletin na inilabas ng City Government, nasa 7,772 sa kabuuang bilang ang validated cases at 1,981 pa ang active cases.

Umabot na sa 5,465 na COVID-19 patients ang nakarekober at gumaling na sa Quezon City matapos madagdagan ng 308 recoveries.

Apat ang naitalang nasawi na may kabuuang bilang na ngayon na 326.

May labing-isa pa ring lugar sa ilang barangay sa lungsod ang nasa 14-day special concern lockdown at pinakahuling napabilang dito ang Sitio Cabuyao 6A sa Sauyo, #72 Fulgencio St., Sitio Lambak sa Krus na Ligas at #17 Isarog St., sa Barangay Sta. Teresita.

Facebook Comments