COVID-19 cases sa QC, umakyat na sa mahigit 9,000

Sumipa na sa 9,140 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Mula sa naturang bilang, nasa 2,063 ang active cases.

Base sa pinakahuling health bulletin ng lungsod, mayroong 9,065 ang may kumpletong address habang nasa 9,039 ang na-validate ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).


Nadagdagan ng 167 ang mga nakarekober na umabot na sa 6,598 habang labing-isa ang naitalang nasawi na ngayon ay may kabuuang 378.

May siyam ring lugar sa ilang barangay sa lungsod ang nasa 14-day special concern lockdown.

Facebook Comments