Montalban Municipal Government, sumailalim sa skeleton workforce hanggang Agosto 30

Mananatili sa skeleton workforce ang Montalban Municipal Government hanggang Agosto 30, maliban sa ilang mga exemption sa pagbibigay serbisyo publiko.

Batay sa Executive Order MDLH 061, S. 2020, ang mga opisinang sasailalim rito ay ang Business Permit and Licensing Office; Local Civil Registry Office; Municipal Treasurer’s Office; Purchasing Office; Budget Office; Accounting Office; Solid Waste Management Office; GSO at; Office of the Municipal Mayor.

Mananatili naman sa full operations ang MTMDO; MSWDO; MDRRMO; MSD; Clean and Green; Rural Health Unit; Montalban Public Market at; Agriculture Office.


Ang ibang tanggapan ay sasailalim sa work-from-home at on-calls sa ilang mahahalagang tawag sa kani-kanilang tanggapan.

Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng mga manggagawa at mga kliyente sa kabila ng patuloy na pagbibigay serbisyo publiko.

Facebook Comments