COVID-19 cases sa Quezon City, pumalo na sa higit 10,000; Bilang ng pumanaw, umabot na sa 399

Pumalo na sa 10,004 ang COVID-19 validated cases sa lungsod matapos madagdagan pa ng 187 na panibagong kaso.

2,535 sa kabuuang bilang ang active cases habang 7,070 ang recoveries.

Pinakamaraming barangay na may mataas na kaso ng mga namatay ay ang Barangay Batasan Hills na may 21; Bahay Toro, 17; Tandang Sora, 15; Matandang Balara, 14; Holy Spirit at Payatas na may tig-13; Commonwealth at Fairview na may tig-12; Culiat, 11; Pasong Tamo at Gulod na may tig-10.


Muli namang napuno ng COVID patients ang Novaliches District Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital at Quezon City General Hospital hanggang kahapon.

Facebook Comments