Pumalo na sa mahigit 11,000 ang confirmed COVID-19 cases sa Quezon City.
Base sa tala ng Quezon City Health Department, nadagdagan pa ng 203 ang bagong kaso ng nagkasakit sa lungsod.
Mula sa 11,261 reported cases noong sabado umabot na ngayon sa 11,464 ang total number ng validated cases sa lungsod.
Sa kabuuang bilang, 1,996 ang active cases.
Nadagdagan naman ng 78 bagong recoveries sa mga pasyente na umabot na sa kabuuang bilang na 9,045.
Anim din ang nadagdag sa mga pumanaw para sa kabuuang 423.
Pinakamaraming naitalang positive cases ng COVID-19 ay sa District 4 na mayroong 2,538 at 79 ang namatay, sinundan ng District 3 na mayroong 2,036 at 63 ang namatay.
Pumapangatlo ang District 1 na may 1,970 kaso at 84 ang namatay, pang-apat ang District 6 na may 1,815 kaso at 70 ang namatay, District 2, 1,623 kaso at 69 ang namatay at District 5 na may 1,482 kaso at 58 ang namatay.
Nasa pito na lang ang mga lugar sa lungsod ang nasa ilalim ng special concern lockdown na nakitaan ng mataas na kaso ng COVID-19.