QC COMELEC, hindi muna tatanggap ng voters’ registration ngayong araw

32

Nag-abiso ang Commission on Elections (COMELEC) sa Quezon City na hindi muna ito tatanggap ng voters’ registration ngayong araw.

Sarado ngayong araw ang lahat ng tanggapan ng election officers mula District 1 hanggang District 6 para bigyang daan ang urgent disinfection sa buong COMELEC building sa lungsod.

Mananatiling sarado naman ang COMELEC District 5 hanggang September 5.

Simula ngayong araw , September 1, 2020 ay ipagpapatuloy ng COMELEC ang voters’ registration sa buong bansa maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ.

Facebook Comments