COVID-19 cases surge, malabo na kapag nabakunahan na ang 70% na populasyon ng bansa – vaccine expert

Tiwala ang isang vaccine expert na malabo ng magkaroon ng muling pagtaas ng COVID-19 cases kapag nabakunahan na ang 70% na populasyon ng bansa.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel (VEP), ang mga bansa na umaasa sa mga bakuna na may mas mababang bisa, tulad ng gawa ng China ay kailangang mabakunahan ang mas malaking porsyento ng kanilang populasyon para matiyak ang proteksyon laban sa COVID-19.

Gayunpaman, sa Pilipinas, ang pagbabakuna aniya sa 70% ng populasyon ay sapat na dahil ang bansa ay gumagamit ng iba’t ibang mga bakuna sa COVID-19 gaya ng Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, at Sinovac.


Sabi pa ni Solante, ang mga ulat sa pagtaas ng mga kaso sa mga bansa na nakatanggap ng bakunang gawa ng China ay kailangan pa ng karagdagang pag-aaral.

Aniya, maaari kasing dumadami lang ang kaso sa mga bansang ito pero wala namang namatay.

Dagdag ni Solante, katanggap-tanggap naman ito dahil ang layunin ng bakuna ay maiwasan nitong maospital at tamaan ng malalang virus ang isang tao.

Facebook Comments