Maaari nang isailalim sa COVID-19 low risk case classification ang National Capital Region (NCR) pagsapit ng katapusan ng Oktubre.
Sa isang radio interview, sinabi ni OCTA Research Team fellow Prof. Guido David na wala silang nakikitang anumang banta ng COVID-19 variant na maaaring makapasok sa bansa.
Tingin din niya ay magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso hanggang Pasko.
Bukod dito, bumababa na rin ang hospital occupancy rate sa Metro Manila.
Kasalukuyang nasa 0.6 ang reproduction rate sa Metro Manila habang 13% ang positivity rate.
Maaari pa aniya itong bumaba sa 12% ngayong araw o bukas.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng luwagan ang restriksyon sa bansa sa panahon ng Kapaskuhan kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng virus.