Umabot na sa 1,963 ang COVID-19 clusters sa bansa matapos makapagtala ng bagong walong lugar kung saan nakikita ang kumpulan o maraming kaso ng pagkalat ng virus .
Ayon sa Department of Health (DOH), naitala ang bagong clustering ng COVID-19 sa Central Luzon at Calabarzon na mayroon tig-dalawang clustered areas.
Habang sa Bicol, Cagayan, Cordillera at National Capital Region (NCR) ay may tig-iisang clustered areas.
Batay pa sa DOH, 102 clusters ang nasa ospital at iba pang health facilities, at 33 hanggang 34 sa mga kulungan mula sa nasabing mga rehiyon.
Ang iba pang clusters na itinuturing ng DOH ay ang pampublikong transportasyon at workplaces.
Kasabay nito, pinuri ni Health Secretary Francisco Duque III ang 94 percent COVID-19 recovery rate ng Taguig City government habang nasa 0.79 percent ang kanilang Case Fatality Rate (CFR).
Mas mataas ito aniya sa 80 percent at sa 0.79 percent CFR ng national government.
Bukod dito, ang Coronavirus testing rate ng Taguig ay umaabot na sa halos 1 milyon o 5 percent ng populasyon sa lungsod habang ang COVID-19 testing rate ng national government ay nasa 3.1 percent pa lang.