Ika-8 relief flight para sa stranded OFWs sa Myanmar, dumating na rin sa bansa

50

Karagdagang 27 Filipinos na stranded sa Myanmar ang nakauwi na rin ng Pilipinas.

Sila ay sakay ng ika-walong relief flight na pinangunahan ng Philippine Embassy sa Yangon kung saan nakipagtulungan din ang Myanmar National Airlines.

Bukod sa stranded OFWs, sakay rin ng relief flight ang ilang mga estudyanteng Pinoy na naipit sa lockdown bunga ng COVID-19 pandemic.

Patuloy naman ang pagtunton ng Philippine Embassy sa Filipino community sa Myanmar para sa iba pang Pinoy na nais na rin umuwi ng Pilipinas.

Facebook Comments