Covid -19 Control Area ipinatayo sa Datu Abdullah Sangki Maguindanao

Pinatunayan ng bayan ng Datu Abdullah Sangki sa lalawigan ng Maguindanao na kahit na ang isang 6TH Class Municipality na tulad nila ay kayang magtayo ng COVID-19 ISOLATION FACILITY.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang paggawa ng kanilang isolation facility bilang bahagi ng mga paghahanda ng lokal na pamahalaan kontra COVID19 sa impormasyon mula kay DAS Administrator Kahar Dalaten.

Bagamat ang naturang bayan ay napapabilang sa 6th class municipalitiy at mayroon lamang mailiit na pondo, hindi ito naging hadlang upang makapagpagawa ng kahalintulad na pasilidad ang lokal na pamahalaan at maituturing pang high -class covid 19 control area.


Inaasahan namang ngayong linggo ay darating na ang medical equipment para sa COVID-19 ISOLATION FACILITY na kinabibilangan ng hospital beds,oxygen tanks, air-condition at iba pa.

Facebook Comments