Hindi na lalagpas sa 2,000 bagong kaso ng COVID-19 ang maaaring maitala sa Metro Manila kada araw pagsapit ng May 14.
Batay sa ulat ng OCTA Research Group, nasa average na 2,347 new cases na lang ang naitala mula May 1 hanggang May 7.
Ito ay 58% na mas mababa kumpara noong March 29 hanggang April 4 kung kailan naitala ang peak ng COVID-19 surge.
Samantala, bumaba rin ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) sa 0.69 mula sa dating 0.83 habang ang positivity rate ay nasa 15%.
Bumaba rin ang hospital bed occupancy sa 51% habang bahagya lamang ang ibinaba sa ICU occupancy na ngayon ay nasa 69%.
Facebook Comments