LUCAP PARK SA LUNGSOD NG ALAMINOS, MULING BINUKSAN; HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUTUPAD

16

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Pinag-iingat at pinaaalalahanan ng Pamahalaang Panglungsod ng Alaminos ang mga mamamayan maging ang mga turistang magtutungo sa tourist sites dito.

Ito ay kasunod ng pag-aanunsyong bukas na muli sa publiko ang Lucap Park. Alinsunod sa Executive Order #37 Series of 2021, na epektibo nasa may 5, tanging ang mga individual activities o sports lamang gaya ng pagbibisikleta, pagja-jogging, at paglalakad ang pinahihintulutan.


Bawal pa rin ang mga closed contact sports and activities maging mga aktibong pang grupo na 3 o higit pang tao ang kasali.

Ayon sa LGU, ang pagsunod at pagtalima sa health standard protocols na umiiral ay para rin naman umano sa kaligtasan ng lahat.

 

Facebook Comments