COVID-19 daily cases sa Oktubre, posibleng pumalo sa 1,000 hanggang 5,000 ayon sa DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng pumalo sa 1,000 hanggang 5,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) simula sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay batay na rin sa bago nila projection kung saan posibleng pumalo sa 1,259 hanggang 5,375 ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Aniya, dapat mapapataas ang booster rates at ang mababang vaccination rate sa mga senior citizens lalo na’t bumagal na ang bakunahan.


Batay sa datos ng DOH, nasa 72.2 million Pinoy na ang fully vaccinated, as of September 8.

6.8 million rito ang senior citizens, 9.9 million ang adolescents, at 4.8 million ang mga bata.

Sa 72.2 million na fully vaccinated, 18.4 million pa lamang ang nakatanggap ng kanilang first booster dose habang nasa 2.4 million individuals ang mayroon nang second booster shots.

Target sa unang 100-days ng Marcos Administration ang 23.8 million Filipinos na mabigyan ng booster dose kaya inilunsad ang PinasLakas campaign ng pamahalaan.

Sa ngayon ay nasa 19,283 na ang nabakunahan sa ilalim ng PinasLakas simula ng inilunsad ito sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Facebook Comments