DOH, nakapagtala ng 2,313 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon; aktibong kaso ng sakit, bahagyang umakyat sa 24,300

61

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,313 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon dahilan para umakyat sa 3,901,033 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit sa bansa.

Ito na ang ikalawang magkasunod na araw na nakapagtala ng higit sa 2,000 bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat nang bahagya sa 24,300 ang aktibong kaso ng virus mula sa naitalang 24,032 active cases noong Huwebes.


Samantala, umakyat naman sa 3,814,484 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 1,840 kahapon.

Nakapagtala rin ng 43 bagong nasawi sa COVID-19 dahilan para umakyat ang kabuuang bilang ng namatay sa virus sa 62,249.

Facebook Comments