Nagbabala ang OCTA Research Team na posibleng umabot sa mahigit 20,000 bagong kaso ng COVID-19 ang maitala sa bansa kada araw.
Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health ng 19,441 na bagong kaso kahapon na malapit na sa projected 20,000 ng OCTA para sa susunod na dalawang linggo.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nananatiling mataas sa 1 ang reproduction number lalo na sa Metro Manila na indikasyon ng aktibong community transmission ng virus.
Sa ngayon, hindi nila masabi kung aabot ng 25,000 pero malaki ang tiyansang higit pa sa 20,000.
Maaari aniyang makita ang peak ng COVID-19 cases sa una o ikalawang linggo ng Setyembre.
Samantala, pinalawig na ng pamahalaan hanggang September 7 ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR.