COVID-19 dapat munang ideklara bilang endemic bago ilagay ang bansa sa Alert Level 0

Kailangan munang ideklara bilang endemic ang COVID-19 bago tayo bumaba sa Alert Level 0.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III kasunod ng pahayag ng Department of Health (DOH) na pinag-aaralan na ng mga eksperto ang paglalagay sa Alert Level Zero dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Giit ni Densing, tatanggalin lamang ito kapag hindi na tuluyang nakakaapekto sa buong bansa ang COVID at kinakailangan din na maging kagaya na lamang ng bilang ng mga kaso ng flu ang mga nagkakasakit ng COVID-19.


Sabi pa ni Densing, kinakailangan pa ring umiral ang Alert Level system sa bansa dahil nasa ilalim pa rin tayo ng State of Calamity hanggang Setyembre 12.

Facebook Comments