Mga biktima ng human trafficking, na-rescue

Limang biktima ng human trafficking ang na rescue ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2.

Ang mga biktima ay patungo sana ng Libya kung saan dalawa sa kanila ay magkapatid.

Nabatid na tinuruan pa ang mga biktima na maghiwa-hiwalay sa pila sa immigration counters.


Nakalusot na sana ang isa sa mga biktima subalit pagdating sa final screening ay napansin ang iisang pattern na ginamit nila sa pagsasagot sa tanong ng immigration officers.

Pinapayuhan naman ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na huwag basta-basta magtitiwala sa mga nagre-recruit sa kanila para magtrabaho sa abroad.

Facebook Comments