COVID-19 Death Case sa Cagayan, Pumalo na sa 32

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa bilang na 32 ang mga naitalang binawian ng buhay sa Cagayan dahil sa COVID-19.

Batay sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), pinakabagong kaso ng pagmakatay sa bayan ng Solana na naitala nitong Pebrero 4 na isang Senior Citizen (PATIENT 7627) at nmay comorbidities gaya ng hypertension, diabetes at renal disease.

Base sa report, naitala ang tig-dalawang death case sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Gattaran at Tuao; tig-isa naman sa Aparri, Ballesteros, Enrile, Iguig, Sta. Ana; tatlo naman ang naitala ng Solana habang 16 naman sa Tuguegarao City.


Sa kasalukuyan, nasa 244 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ang bilang mula sa Tuguegarao City na anim (6) at tig-isang kaso sa Amulung, Claveria, Aparri at Iguig.

Mataas rin ang bilang ng mga nakarekober na umabot sa 67 as of February 5.

Sa ngayon, nasa 138 na ang kabuuang bilang ng mga namatay sa rehiyon dos.

Facebook Comments