Bumababa na ang death rate ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon na lamang 2.9 percent na case fatality rate ang Pilipinas kumpara noong nagsimula ang pandemic na mahigit 10 percent.
Aniya, ang pagbaba ng fatality rate ay bunsod ng improvement sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 cases.
Giit ni Vergeire, sa katunayan 96 percent ng mga kaso ng virus sa Pilipinas ay mild cases lamang.
Kaugnay nito, mahigit 800,000 indibidwal na ang na-test para sa COVID-19 sa Pilipinas matapos ang record-high 19,500 tests noong nakaraang linggo.
Paliwanag ni Vergeire, nalagpasan na ng Pilipinas ang goal na 50,000 daily testing capacity nitong Hunyo, matapos pumalo sa 51,302 ang testing capacity nitong June 9, 2020.