COVID-19 Death Toll sa Cagayan, Umaabot na sa 83

10

Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa 83 ang bilang ng nasawi sanhi ng COVID-19 ang naitala sa Lalawigan ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, lima (5) na panibagong kaso ng nasawi ang naitala kahapon, April 12, 2021 ng probinsya.


Kaugnay nito, patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Tuguegarao na umabot na sa 908 ang bilang ng aktibong kaso sa kabilang pagsailalim sa 14-day Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Karamihan sa mga aktibong kaso sa Lungsod ay naka-home quarantine samantalang ang ilan ay nasa quarantine facility ng iba’t ibang lugar sa Lungsod.

Samantala, ikinababahala na ni Governor Manuel Mamba ang pagtaas ng mga kaso, patuloy na paglobo ng bilang ng mga nasasawi, at mga nagpopositibo sa Lalawigan lalo na sa lungsod ng Tuguegarao.

Facebook Comments