Gab Valenciano, hinimok ang mga kapwa COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang plasma

78

Tumutulong ngayon ang actor/dancer na si Gab Valenciano sa mga non-government organization (NGO) para magbigay ng awareness hinggil sa pagdo-donate ng convalescent plasma ng mga gumaling sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram account, kinumpirma ni Gab na dinapuan din siya ng COVID-19, limang buwan na ang nakararaan pero sa tulong ng mga mahal sa buhay at pagsunod sa mga health protocols ay gumaling siya.


Kalapit ng post ang picture ng aktor na nagdo-donate ng dugo sa Philippine Red Cross (PRC) kung saan isa siya sa mga “mental health ambassador”.

Binigyang diin ni Gab, ang kahalagahan ng pagdo-donate ng convalescent plasma ng mga COVID-19 survivors na tulad niya upang matulungang iligtas ang buhay ng mga infected ng virus.

Bukod kay Gab, kabilang rin sa mga celebrities na nag-donate ng kanilang plasma ay sina Iza Calzado, Christopher De Leon, maging sina Senator Sonny Angara at Juan Miguel Zubiri.

Facebook Comments