Muling binuksan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang COVID-19 Emergency Loan program para sa mga miyembro at pensioners nito na magtatagal hanggang December 27, 2020.
Sa ilalim ng COVID-19 Emergency Loan program ng GSIS, ang mga kwalipikadong borrowers ay maaaring makahiram ng P40,000.00 para mabayaran ang kanilang naunang hiniram kung saan makakatanggap pa rin sila ng P20,000.00 gayundin ang mga bagong mag-aavail ng nasabing program.
Ang mga nakapag-avail na ng naturang loan program ay hindi na maaaring mag-apply pa.
Ang mga emergency applications ay dadaan sa approval ng kani-kanilang authorized officers, maaaring lamang i-download ang form sa https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms at ipasa sa pamamagitan ng electronic GSIS member online (EGSISMO) o kaya ay tumawag sa GSIS contact center number na 8-847-4747 para sa iba pang detalye.