COVID-19 fatality rate sa Pilipinas, bumaba

Bumaba ang COVID-19 fatality rate sa Pilipinas ngayong Hunyo.

Mula sa 5.52 percent noong May 31, bumaba sa 4.24 percent ang COVID-19 fatality rate sa bansa noong June 13.

Sa virtual presser ng Department of Health (DOH), sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na mas mababa ito kumpara sa kasalukuyang global case fatality rate ng buong mundo na 5.6 percent as of June 13.


Aniya, malaki na ang naging improvement ng pagre-report ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Ang bilang ng mga pumanaw ay hindi kasing taas gaya noong Marso at Abril. Ang porsiyento ng mga namamatay sa lahat ng nagkaka-COVID ay mas mababa na sa global average dito sa ating bansa,” ani Vergeire.

Ang magandang balita na ito aniya ay naging posible dahil na rin sa sakripisyo ng bawat isa lalo na sa pagprotekta sa mga senior citizen at vulnerable population gayundin sa mga hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.

Pero babala ni Vergeire, mabilis itong babaliktad o masasayang ang effort ng lahat kung magpapabaya ang mga tao.

“Ang mga good news na ito ay naging posible dahil sa mga sakripisyo ng bawat isa. Pero ang good news po na ito ay mabilis ding babaliktad kung magpapabaya po tayo sa ating mga pagsuot ng face mask, paglabas ng bahay, paggagawa ng physical distancing, palagiang paghuhugas ng kamay dahil ang mga gawaing ito ang makakapagpabagal sa pagkalat ng virus,” dagdag pa ni Vergeire.

Facebook Comments