COVID-19 field hospital sa Maynila, bubuksan na sa susunod na linggo

Bubuksan na sa Hunyo 24 ang Manila COVID-19 field hospital na itinayo sa Luneta Park.

Mula sa target na 60 araw ay natapos itong itayo sa loob lamang ng 52 araw nitong June 11.

Ang COVID-19 field hospital ay may lawak na 4,402 square meters at may 344 bed capacity.


Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang mga mild to moderate cases ng COVID-19 ay tatanggapin sa field hospital at aalagaan ng mga medical professional.

Layunin ng pagtatayo ng field hospital na ma-decongest ang mga ospital hindi lang sa lungsod kundi pati na rin ang mga pagamutan sa kalapit na lugar.

Bukas para sa lahat ang field hospital kahit hindi residente ng Maynila.

Facebook Comments