Bagong unibersidad, itatayo sa Caloocan City

Apat na palapag na gusali ang sisimulan nang itayo para sa bagong University of Caloocan City (UCC) Bagong Silang Campus sa Phase 8A, Barangay 176 sa lungsod.

Ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, bukod sa College of Engineering ay gagamitin din ang ipatatayong campus para sa business-related courses ng unibersidad.

Ayon kay Malapitan, malaking tulong ang isa pang UCC Campus para sa mga kabataan na nais maging inhinyero at para rin mas marami ang makinabang sa libre at dekalidad na edukasyon sa lungsod


Facebook Comments