COVID-19 “Flirt” variant, posibleng nakapasok na rin sa bansa

 

Hindi inaalis ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na nakapasok na rin ang “Flirt” variant sa bansa mula sa Singapore.

Sa Malacanang press briefing, sinabi Health Sec. Ted Herbosa na tinukoy na ang “Flirt” variant bilang variant under monitoring.

Gayunpaman, wala pa rin aniyang sapat na sample ang DOH para isailalim ito sa genetic testing.


Kapag dumami aniya ang COVID-19 sa bansa ay saka pa lamang ito susuriin ng Philippine Genome Center.

Pinayuhan din ni Herbosa ang mga doktor at mga ospital na i-ulat ang resulta ng antigen testing sa kanilang Epidemiology Bureau.

Sa kabila nito, hindi pa inirerekomenda ng DOH ang border control, travel restrictions, mandatory face mask, at maging ang karagdagang vaccination.

Facebook Comments